Profile



I'm breaking the habit...

Name: Harvey
Age: 15
E-mail: harvey_orbeta1993@yahoo.com

Archieves
October 2008 January 2009 February 2009

Harvz' Blog

Links
Marko
Raya
Ysabel
Miles
Abe
Lizbeth

Song of the Month
Leave Out All the Rest, Faint, My Heroine, Over You, Reinventing Your Exit

Ouch!
Wednesday, February 4, 2009


Isipin mo nga kung buong araw ay puro numbers nalang ang iyong maririnig, siguro kung hindi ka math lover d mo un magugustuhan. Pero kung ikaw yung parang mahilig mag solve at mag-aral ng numbers tulad nalamang ng iba nating schoolmates ay talagang magugustuhan mo ang pagsama sa tinatawag nilang local math quiz bee na naganap kaninang umaga hanggang hapon. Ragged ako pagkatapos nang araw na to, kaya heto ako nagsusulat sa harap ng aking computer.

Ginagawa ko lang naman ito dahil gusto ko rin mapahaba itong blog ko. Congrats nga pala sa mga nanalo, dun naman sa mga hindi pinalad ay nag-enjoy naman siguro sila sa buong araw na walang klase. Better luck next time nalang.

Sa wakas! Malapit na kong matapos sa aking alphabet para sa journ, akalain mo masaya palang gumawa ng ganitong bagay. Ambilis ng mga araw noh, malapit na matapos ang ating ikatlong taon ng pamamalagi sa Kisay. Sabi nga nila pagkatapos raw natin maka-graduate makakalimutan din agad natin ang ating high school life dahil sobrang saya raw ng college.
In the other hand, iba naman ang aking pananaw; d ko makakalimutan ang high skul life ko kasi marami akong natutunan. Lalong lalo na sa lhat ay dito ako nkakita ng mga tunay na kaibigan na pwedeng makasama sa kalokohan. D ko talaga makakalimutan ang mga asaran,kalokohan,tawanan at kulitan... Pati narin yung mga importante tlaga...

-corny post...


What I feel right now...
Monday, February 2, 2009


I feel nothing.
I feel empty inside.
I have no emotions right now.
I don't even frown or smile.
It's true, i got nothing inside my mind.
Not even joy,
sadness,
acceptance,
disgust,
fear,
anger,
surprise,
anticipation, or
contempt.
Nothing but nothing.


Tired...
Friday, January 30, 2009


Boy: 4th quarter na?
Girl: Oh, talaga?
Girl: D ko ramdam...
Boy: Ako ren eh, nag-aral ka ba sa ****?
Girl: D nga eh, bahala na.
Boy: Eh sa ****?
Girl: D rin eh.
Boy: Geh, goodluck! Sana pumasa ka!

Haha! D pa ba kayo sanay dyan? diba ang normal na ginagawa ng isang Pilipino sa loob ng silid aralan(Pasok,Kain,Aral,Kain,Uwi)? Pero kapag ika'y Scientian mag-iiba ang routine mo! Ganito ang isang Xientian (Pasok,Kopya,Tulog,Kain,Uwi)... Bakit may angal ka? Di mo pa ba ito nagawa? Kung ito'y di mo pa nagagawa, isa kang mabuting mamamayan ng Scientian community.

Kung ang ikalawang routine ang iyong ginagamit, isa kang mabuting inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga Scientian; maaari mong ipasa ang ganitong mga gawain upang mapagyaman at lalo pang mapa-ganda. Halimbawa: Maaari mong isunod sa pag-kain ang pagtulog muli, syempre; matapos mong kumain ay dapat lamang na ika'y matulog upang hindi maubos ang energy na iyong kinain. Kung ito'y gagamitin mo lamang sa pag-aaral, masasayang ang energy ng iyong kinain at ito'y unti-unting kakainin ng iyong utak. Kaya may dahilan ang mga taong natutulog matapos kumain, MALAS mo nalang kung mahuhuli ka habang natutulog sa klase ng isa sa mga teacher na di mo talaga nais maging guro. Kaya kung ako sayo, matutulog ako sa oras ng teacher na ung akala mo ay hindi ka mapapansin kahit ika'y natutulog sa harapan. Pero kung matinik naman at magaling na guro ang iyong tutulugan, kailangan mo maghanap ng pwesto o mag-paturo ng iba't-ibang istilo ng iyong kapwa kamag-aral. Kung magagawa mo ito ng walang daplis, tiyak na mabubuhay ka ng maayos sa paaralan ng Quezon City Science.

Ang magandang aral ng post na ito ay ang PAGHAHANAP at PAG-AARAL ng iba't-ibang paraan upang matuwa sa loob ng silid aralan maging sa loob ng eskwelahan. Bow..

Pasensya na kung matagal akong di nakapag-post dahil sumakit ang ulo ko sa pag-iicp ng walang saysay na blog na ito.


We just Crossed Enemy Lines!
Wednesday, October 22, 2008


Boy: tapos na! sa wakas tapos na!

Girl: Ang alin? anong tapos na?

Boy: Tapos na ang giyera! Ang perio!

Yan ang nais sabihin ng karamihang Scientian na dumaan sa madugong exams mula Lunes hanggang Miyerkules. Akalain mo ba naman, tapos na ang perio; prang nung isang araw lng bigayan palang ng report cards ah. Mula biyernes ng gabi hanggang linggo ng madaling araw naghanda ang mga estudyante para sa nakakahilong exams! Sa kabutihang palad wala namang nasawi sa labanan, meron lamang ibang nacraan ng bait at na trauma narin ksama noon. Syempre kung may nag-aral, hindi magpapahuli ang mga taong kunwari ay magaling at hindi nag-aral buong weekend. Isa na rito si Harvey, sa palagay ko DotA lamang ang inatupag niya sa buong weekend. Sana pagpalain siya ng Diyos at bigyan ng konting pag-asa upang makapasa. Ang masaklap pa dito, napakahirap ng mga tests at halos wla siyang nasagot sa mga katanungan dito, kawawa naman sya.

Loko talaga yung batang iyon, siguro nadala na siya ngayon. Sa susunod sana mag-aral naman siya para hindi magsisi sa huli. Marami ring katulad niya kaya hindi siya nag-iisa na magdudusa.

Sa Darwin three maraming responsable pero mas marami ang iresponsable. Isang halimbawa ay kunwari magkakaroon ng pasahan ng project sa isang subject sa friday, akalain mo ba naman ay gagawa ang karamihan huwebes ng gabi. Ang tawag dito ay cramming, maraming mahilig dito; yung iba nga hobby na ata nila yon eh dahil palagi nila itong ginagawa. :)) haha...

Sabi nila masaya raw mag-cram pero may pagsisisi rin sa dulo nito, mapagtatanto mo rin sa isip mo na mali pala ito. Pero sa kasamaang palad binabali-wala natin ito at walang habas na inuulit muli at muli at muli at muli... at muli...

Okay, wala nang pasok! Malapit na ang araw ng mga patay, ibig sabihin malapit naring mawalan ng pasok. Masaya to dahil halos isang linggong wlang pasok sa eskwelahan, ang tanging gagawin ng mga tao ay mag-lakbay,matulog maghapon at magbasa ng kung ano-ano. Depende narin yan sa tao kung ano ang nais niyang gawin. Wag mo kasi paki-elaman buhay niya un. haha... Di parin matutuwa c harvey dahil napaka-korny nanaman ng mga araw niya kapag walang pasok, kung iniicp mong GC siya; nagkakamali ka! Gusto niya lang talagang tumunganga maghapon habang nakikipag-usap kung kani-kanino. Syempre may DotA parin paminsan-minsan sa hapon. haha. Adik!


Isang Nakaka-pagod na araw...
Saturday, October 18, 2008


Sweat! Ang tanging nasa balat ng bawat scientian na sumali sa nakakapagod na Journ Conference nuong isang araw sa QUESCIE. May mga hiningal at napagod samantalang meron din naman natulog at tumunga-nga buong araw. Sino kaya ang maaaring gumawa nun? hmm...


Kung may kapaguran meron din namang saya at ginahawa, tapos na ang aming proyekto sa journ at wala na kaming pro-problemahin dito. Sulit ang araw dahil puno rin ito ng tawanan at kalokohan. Makasama mo ba naman kumain ang baliw na side ni Luiz at Arjan, nasubukan mo na bang kumain ng fries na sinawsaw sa coke float na may halo pang ketchup?

Kung hindi pa, subukan mo't masusuka ka. Talagang napagod ang mga tao sa araw na ito lalo na yung harvey, talagang pinagod siya ni sir Panzo. Naisip rin cguro niya na tuwang-tuwa ang kanyang mga kamag-aral sa bahay habang sila ay nanonood ng T.V. Ngunit matapos niya itong maisip, napag-tanto rin niya na siya rin pla ay nakatunganga rin lamang at wlang ginagawa habang nakatingin sa kawalan iniicp ang isang tao.

Bawal ulit itong sabihin dahil bka makarating nanaman ito sa hindi dapat nitong paratingan.
Sa kamalasan nga naman niya, nagsama lamang sila ni arjan habang nagiintay sa mga pesteng editorial cartooning writers. Akalain mo b naman, nagsimula ang drawing-drawing ng alas dose imedya. Sa kamalas-malasan dumating ang iba ng alas dos imedya, ung isa nga dumating limang minuto b naman bago matapos ang contest; kasi ba naman sa sobrang galing niya dalawa ang sinalihan niyang contest. Siguro 10-20 lamang silang nag-aaral sa buong school nila kaya siya nalamang ang napiling lumahok sa ganoong paligsahan.

Pero, d naman nasayang ang paghihirap ni harvey; nilibre naman siya ng isang taong may birthday sa araw na un kasama ang iba niyang kaklase sa KFC. Pero bago un, akalain mo hindi pinapasok c harvey dahil may suot-suot siyang P.E. uniform; wag kayo mag-alala siguro wla na ung guard na un sa mga panahon ngayon. Nakapasok naman siya sa kabilang entrance dahil sa walang kabuhay-buhay ang guard doon. Un na nga, nabusog silang lahat at umuwi ng maaga. Nakakalungkot parin ang araw na un dahil wla c.... Hayzz, Pagod na ko tama na nga, matutulog na ko...hehe.zzz...